Baguio City – Ang dating alkalde ng lungsod ng Baguio na si atty Mauricio Domogan ay nalungkot sa diumano ‘y decision ng Bases Conversion and Development Authority sa pagbabawal sa kanya at sa dalawa niyang kasamahan sa paglalaro sa Camp John Hay Golf Club. Sa panayam ng RPN news sa kanyang opisina sa Magsaysay Avenue, naisip lang niya ang dahilan ng pagbabawal sa kanila. Sabi niya maaring yong isinampa nilang kaso sa BCDA ang maaring dahilan kung bakit sila pinagbabawalan na pumasok at maglaro sa Camp John Hay Golf Course.
Kung magkaganon man, ang gusto lang nilang mangyari ay kilalanin ang kanilang seguridad bilang miyembro ng dating namamahala ng golf course. Kasabay nito, nais nilang hilingin sa bagong pamunuan na ang mga empleado at tauhan ng golf club ay mapanatili tulad mga caddies sa kanilang trabaho. Kanya rin niyang sinabi na mukhang hindi patas at nakakalungkot itong nangyari dahil sa kung tutuusin ang Camp John Hay Golf Club ay isang pampublikong lugar. At wala sanang isisepwera na tao na nagnanais na gumamit ng pasilidad doon sa loob ng Camp John Hay. (RPN-Baguio/Jimmy Bernabe/Joel Cervantes/source: PIA CAR).
