Baguio: Pag-amienda ng R.A 10868 o ang Centenarians Act of 2016 approbado na sa mababang Kongreso

0
17

Baguio City – Inaprobahan na ng Kongreso noong Lunes, Mayo 8, 2023 ang panukaling batas na –mag aamienda ng Republic Act No.10868 o ang “Centenarians Act of 2016”, upang madagdagan ang mga Pilipino na makararating sa edad na 80 hangang 90 taong gulang na makatanggap ng monetary benefits mula sa gobierno nasional.

Ayon kay Baguio Congressman Mark Go, nagkaisa lahat ang mga mambabatas sa  kongreso na maipasa ang  House Bill No. 7535 ang nang-substitute sa 24 na house bills na pinakakabilangan ng  House Bill no. 1959 na ipinila nila  ni Congressmn  Ompong Ordanes, ang Chairman  ng  House Senior Citizens Committee at ang House Bill  992 na ipinila rin nila Baguio Congressman Mark Go na pamagat na  “An Act Granting Additional Benefits to Filipino Centenarians, Recognizing Octogenarians and Nonagenarians, And Appropriating Funds Therefor, Amending for the Purpose the Republic Act No. 10868, o ang Centenarians Act of 2016.”

Ang nasabing bill ay layon na mapalawak pa ang kasalukuyang centenarian law upang masakop ang benepisyo ng octagenarian at nonagenarian na senior citizens. Nais din nito ang magbigay ng espesyal na pagkilala sa buhay ng mga centenarians nakarating sa 101 years old sa pamamagitan ng cash benefit na isang milyong piso.

Sa oras na maipasa ito bilang isang batas, ang mga senior citizens nakarating sa edad na 80, 85, 90, at 95 taong gulang ay makakatanggap ng sulat ng pagbati mula sa Pangulo ng bansa at cash gift na ₱25,000.

Sa mga seniors nakarating sa edad na 100 o isang daang taon ay makakatanggap ng cash gift na isang daang piso, at ang makakarating sa 101 years old ay mabibigyan ng isang milyong piso.

Sinabi ni Congressman Mark Go, nasisiyahan siya sa mabilis na pag-apruba ng House Bill No. 7535 kasabay ng pagbibigay diin na responsibilidad ng gobierno na alagaan at ibigay ang mga pangangailangan ng mga senior citizens sa mga nalalabi nilang buhay.

Sa sandaling maaprubahan ng Senado at mapirmahan ng Pangulo ang nasabing batas, ang National Commission of Senior Citizens (NCSC) ang responsable sa pagimplementa nito sa pamamagitan ng pondo na ihahanda sa ilalim ng General Appropriations Act.

Ipinaliwanag na ang nasabing bill ay maisusumite pa lang sa Senado para sa nararapat na aksyon. (Joel Cervantes, photo courtesy of PIA Benguet)

Leave a Reply