31.9 C
Manila
Thursday, April 18, 2024

Baguio: Paalaala na mararanasan ngayon ang strong El Niño at inaasahang magpapatuloy hanggang sa Pebrero

- Advertisement -

Baguio City – Sa El Niño Advisory No. 7 na inilabas ng PAGASA, nakasaad na karamihan sa mga global climate models ang nagpapakita na magpapatuloy ang El Niño hanggang Mayo 2024.

Noong nakaraang buwan ay nasa dry spell condition na ang Benguet, Ifugao, Kalinga, Apayao, at Mountain Province maliban sa Abra na nasa dry condition.

Sa pagtaya ng PAGASA, sa pagtatapos ng Enero 2024 ay inaasahang nasa drought condition ang Benguet, Kalinga, at Apayao habang nasa dry spell naman ang Abra, Ifugao, at Mountain Province. Ang dry condition ay kapag sa magkasunod na dalawang buwan ay nasa below normal ang rainfall condition o nabawasan ng 21-60% ang average rainfall.  

Ang dry spell naman ay kapag nasa below normal ang rainfall condition o nabawasan ng 21-60% ang average rainfall sa tatlong magkakasunod na buwan.

Samantala, ang drought ay kapag nasa way below normal ang rainfall condition o mahigit 60% ang nabawas mula sa average rainfall sa tatlong magkakasunod na buwan. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe, photo courtesy of PIA Cordillera)

 

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -