Baguio: P10.8M na halaga ng marijuana sa Kibungan at Mankayan Benguet nadiskubre ng Benguet PPO

0
10
photo courtesy of PRO-COR

La Trinidad, Benguet – May kabuang halaga na Php10,812,000.00 ng tanim na Marijuana ang nadiskubre ng mga pulis ng Benguet Police Provincial Office (PPO) sa magkahiwalay na pagpuksa ng marijuana na isinagawa sa mga munisipyo ng Kibungan at Mankayan, Benguet, noong Sabado Mayo a 25, ng taong ito.

Sa Kibungan, ang magkatuwang na operatiba ng Kibungan Municipal Police Station (MPS), PIU/PDEU-Benguet PPO, Regional Intelligence Division (RID)-PRO Cordillera at PDEA-CAR ang nakadiskubre ng 90 kilo ng pinatuyong tangkay ng marijuana na may bunga nito sa kagubatan ng Sitio Ginawang, Brgy. Poblacion.

Ang mga naturang marijuana ay nakasalansan at nakatago sa ilalim ng bato na natatakban ng plastic na canvas at ito ay nagkakahalaga ng PhP10,800.000.00.

Samantala sa Mankayan, ang magkatuwang na operative ng Mankayan Municipal Police Station, Buguias Municipal Police Station, 1st Benguet Provincial Mobile Force Company, PIU/PDEU-Benguet PPO, RID-PRO Cordillera, at ng 1502nd Maneuver Company of RMFB15 ang nagkasagawa ng pagsugpo ng Marijuana sa Sitio Dowag, Brgy. Guinaoang, Mankayan na naging sanhi ng pagkakadiskubre ng 60 piraso ng mga ganap na laking tanim na Marijuana na nagkakahalaga ng PhP12,000.00.

Ang lahat ng nadiskubreng Marijuana ay naidokumento at sinunog sa mismong lugar at may ilan sa mga ito ang dinala sa Regional Forensic Unit-Cordillera para sa pagsusuri. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe)

(Source: PRO-COR)

Leave a Reply