29.7 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Baguio: Ordinansiya ng Itogon na rice subsidy Ibibigay sa mga namatayan

- Advertisement -

Itogon, Benguet – Inaasahan na tatanggap ng rice subsidy ang mga pamilya na may namatay sa Itogon, Benguet.

Ito ay kasunod na aprubahan ang Ordinance No. 113, S. 2023 – “An Ordinance Giving Death Assistance in the Form of Rice Subsidy to the Indigent Individual of the Municipality of Itogon, Benguet” itong mga nakaraang araw lamang.

Ayon kay Bise Mayor Dax Godio, binigyan n Sangguniang Panlalawigan ng Benguet ng masusing pag-aaral ang nasabing ordinansya. Sinabi niya na inaasahan nilang maiimplementa ang nasabing ordinansiya ngayong taon na kung saan ang 50 kilos na bigas ay maibibigay sa pamilya ng namatayan.

Tiniyak niya na ang makikinabang ay ang mga karapatdapat lamang na residente ng Itogon ang Rice Subsidy Program sa pamamagitan ng pangangasiwa ng Mayor’s Office at ng Municipal Social Welfare and Development Office.

Ayon sa bise mayor, ang nasabing ordinansya ay akda ni konsehal at ABC President Noel Bilibli. (Joel Cervantes, photo courtesy of LGU Itogon file)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -