Baguio: Opisyales ng Bakun, Benguet binisita ang kanilang tourist spots

0
1
Tourist destination at Bakun

Pinangunahan ni Bakun Municipal Mayor Bill Raymundo kasama niya ang iba’t ibang empleyado at mga opisiyal ng lokal na gobierno ng Bakun sa isang hiking adventure sa kabubukas na Mt. Kabunian sa Poblacion. Ito ay pagpapakita ng pagsuporta nila sa kabubukas na pasyalan bilang unti unting pagbangon at pagbabalik ng ekonomiya sa nasabing bayan na naapektuhan mula sa pandemya.

Inaasahan ng Bakun-LGU sa pamamagitan ng pagbubukas ng mga tourism site doon at makatulong sa pagbibigay ng kabuhayan o livelihood para sa mga mamamayan.

Base sa resulta ng ipinatutupad na joint assessment ng municipal at barangay LGUs, ipinahihintulot na ang hiking at camping activities sa Mt. Kabunian ngunit may ipinatutupad na alintuntunin na dapat masunod ang minimum public health standards at safety protocols. Hiniling nila sa mga bisita na habang nagpupunta sa nasabing destinasion, kailangang makipag-ugnayan muna nila sa Bakun Municipal Tourism Council Facebook Page tatlong araw bago magplanong magpunta.

Ang Mt. Kabunian ay isa lamang sa mga hiking site sa Bakun, Benguet na tinatawag nilang “Home of the Kankana-ey god, Kabunian” at “Stairway to Heaven” at may taas na 1,789 meters above sea sevel (masl).

(Joel Cervantes, photo courtesy of LGU Bakun)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here