Saturday, May 18, 2024

Baguio: Natagpuan na ang nalunod na babae sa Agno River

- Advertisement -

Itogon, Benguet – Umabot ng siyam na araw saka na, natagpuan ang bangkay ni Colleen Chance Flores na nalunod sa Agno River sa Salapsap, Dalupirip, Itogon, Benguet.

Ayon kay Gerry Tacay, ang incident commander ng Search operation, natagpuan nila ito sa isang lugar ng Pangbasan, Dalupirip, Itogon, Benguet mga bandang alas dos ng hapon October 31, 2022. Nakumpirma ito sa tulong ng isang larawan na ipinadala sa kanila.

Kung inyong matatandaan, nauna itong naiulat na nawawala si Flores matapos itong tangayin ng malakas na agos ng tubig ng Agno River noong Oktubre 23, 2022 subalit ang kasama niya noon araw na iyong ay nakaligtas at ito ay nasa magandang kalagayan. (Joel Cervantes, photo courtesy of Itogon MPS)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -