26.3 C
Manila
Sunday, March 3, 2024

Baguio: Munisipyo ng La Trinidad nakapagtala ng 9.7°C, na kalamigan sa panahon ng amihan

- Advertisement -

La Trinidad, Benguet – Ang malamig na hanging Amihan ay patuloy pa rin sa kanyang pagragasa ngunit ito ay nagsisimula ng humina.

Ayon sa PAGASA, nakapagtala ito ng pinakamalamig na temperature kahapon ng umaga sa 9.7 0celsius. Ito na ang maituturing na pinakamababa sa panahon ng Amihan.

Noong nakaraang Sabado, ang lungsod ng Baguio ay nakapagtala ng pinakamamaba nitong temperature sa 9.8 degrees Celsius habang ang Metro-manila ay nakadama ng kalamigan sa 19.9°C sa Science Garden, sa lungsod ng Quezon.

Ayon sa PAGASA, ang amihan ay inaasahang baba sa kalagitnaan ng linggo. Mararamdaman ang mainit at maalinsangang temperature sa maraming bahagi ng kapuluan sa weekend. May pagkulog sa bandang hapon o sa gabi lalo na silangang bahagi ng kapuluan ang mararamdaman.

Noong Enero a 18, taong 1961, ang lungsod ng Baguio ay nakapagtala ng pinakamababang temperature na 6.3°C.

Sa kabilang dako ang KaMaynilan ay nakadama ito ng pinakamalamig na temperatura ng 14.5°C at ito ay naganap noong Enero 11, taong 1914.

Ang panahon ng hangin Amihan sa Pilipinas ay ay nag-uumpisa sa huling bahagi ng buwan ng Oktubre o unang bahagi ng Nobyembre at nagtatapos ito ng kalagitnaan ng Marso. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe, photo courtesy of La Trinidad tourism file)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -