Baguio: Mount Pulag Protected Landscape Protected Area Management Office hindi papayagan ang pagpasok ng tourista sa Mt. Pulag sa pamamagitan ng Akiki Trail dahil sa ulat na sunog

0
11

Kabayan, Benguet – Inihayag ng Mount Pulag Protected Landscape Protected Area Management Office na hindi papayagan ang pagpasok sa Mount Pulag sa pamamagitan ng Akiki Trail dahil sa napa-ulat na sunog sa kagubatan mula mababang libis ng Eddet, Kabayan, Benguet, at ang Upper Agno River Basin Resource Reserve.

Sa isang paabiso na tumutukoy sa mga trekkers, organizers, bisita, taga gabay, pahinante, at mga industriya ng turismo. Sila ay sinasabihan na kanila munang ipagpaliban ang kanyang pag akyat upang maiwasan ang ulap usok at mga hindi inaasahang pangyayari.

Samantala, ang mga trekkers na gagamit ng Babadak Trail ay maaaring umakyat ngunit may pasabi na usok na nanggagaling mula sa kanlurang dalisdis ng Mount Pulag ay maaring makaapekto sa pinakatuktuk nito.

Ang mga trekkers o umaakyat ay pinapayuhan na gamitin na lamang ang tower site bilang ponto ng tanawin. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe, photo courtesy by Jun Bantales)

Leave a Reply