Banengbeng, Sablan, Benguet – Tumulong ang mga tauhan ng PNP Benguet sa pamamagitan ng Bumadang Program sa pangunguna ng hepe ng PNP police community affairs and development unit na si Police Lt. Colonel Benson B. Macli-ing sa kay ginoong Romeo Ados Batolne ng Central Banengbeng, Sablan, Benguet. Si ginoong Batolne ay nasunugan ng bahay noong Augusto 12 ng taong ito.
Noong Septiyembre a 12 ng taong ito, ang mga tauhan ng PNP Benguet ay nagbigay ng isang tangke ng gas kasama rito ang isang double burner gas, kalahating cavan ng bigas, mga gamit pangkusina, mga damit at pera na nagkakahalaga ng 21,520 piso na ginanap sa maikling seremonya.
Ang naturang gawain ay sinaksihan ng opisyal ng barangay Banengbeng sa pangunguna ni kagawad Lubin Banto.
Samantala, nagpasalamat si ginoong Batolne sa mga tauhan ng Benguet PNP at sa mga barangay officials naroon at ang pagkilala niya sa OPLAN BUMADANG Project ng Benguet Police Provincial Office. (Joel Cervantes/Jim Bernabe, photo courtesy of Brgy. Banengbeng Sablan BLGU)