Baguio: Mga paabiso ng DOLE sa mag-aaral na kanilang tungkuling sa komunidad

0
5
photo courtesy of PIA Cordillera

Baguio City – Tiniyak ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang patuloy na tulong sa mga mag-aaral, maging ang mga nagtapos na at naghahanap ng mga matatatrabaho sa pamamagitan ng kanilang Special Program for Employment of Students o ang SPES at ng Government Internship Program o ang GIP.

Ayon kay DOLE-CAR Assistant Regional Director Emerito Narag, as of September 11, 2024 ang bilang ng nabiyayaan ng SPES sa rehion Cordillera na nagtatatrabaho sa iba’t ibang lokal na pamahalaan ay may 3,200. Habang as of August 31, 2024, may mga 1,713 benepisaryo ang GIP naitalaga sa iba’t ibang opisina ng opisina ng pamahalaang sa rehion.

Sinabi ito ni Narag sa kasagsagan ng kapihan sa Bagong Pilipinas na ginawa sa kanyang opisina kahapon ng Martes. Kasabay nito, kanya ring sinabi ang nagawa na ng kanilang ng kanilang opisina sa pagdiririwang ng araw ng paggawa o ng Labor Day.

Kabilang dito ang Kadiwa ng Pangulo, ang tulong sa mga TUPAD sa ilalim ng Kadiwa ng Pangulo, at job fairs mapa lokal at pangibayong dagat na pagtatatrabaho.

Ang DOLE-CAR ay nakapagbigay na ng may kabuang o mahigit pa sa P131.37 milyong piso para sa pagbabayad ng TUPAD at ang pagbibigay ng mahigit sa P11.17 milyong pisong halaga ng tulong pangkabuhayan sa ilalim ng DOLE Integrated Livelihood Program sa buong rehion sa nasabing paggunita.

Kanya rin sinabi ang mandato ng Department of Labor and Employment, kabilang dito ang pagtataguyod ng pagkakataon upang magkatrabaho, ang pag-unlad ng yamang tao, ang pagbibigay proteksyon sa mga manggaawa at ang pagtataguyod ng kanilang kapakanan at ang pananatili ng kapayapaan sa industriya.

Kanya rin na binigyan diin ang papel ng Dole sa pagpapadali ng mga programa at serbisyo upang matiyak ang disente at produktibong trabaho sa bawat manggawang Filipino. (Joel Cervantes & Jimmy Bernabe)

(Source: PIA-Cordillera)

Leave a Reply