Baguio: Mga nagretiro na hanay ng kapulisan sa Cordillera binigyan ng parangal

0
5
photo courtesy of PRO-COR

La Trinidad, Benguet – Pinarangalan ni PRO Cordillera Regional Director, PBGen David K. Peredo, Jr., ang pitong retirado sa kanilang hanay ng napakahalagang serbisyo at pangako sa Philippine National Police (PNP) sa “Salamat Kapatid Program” na ginanap sa Multi-Purpose Center, Camp Major Bado Dangwa, La Trinidad, Benguet, noong Biernes Mayo a 24, 2024.

Ang mga pinarangalan ay sila Police Major Pedro T. Tactay, Police Major Gilbert L. Bulalit, and PEMS Eugene F. Tad-awan mula sa Regional Personnel and Records Management Division; Si PCpt. Francisco B. Buyuccan at si PEMS Clarence M. Puguon mula sa Ifugao Police Provincial Office (PPO); PEMS Bill P. Capyao ng Finance Service; at PSMS Reynold T. Bay-an mula sa Benguet Police Provincial Office.

Binigyan ang mga retiradong kawani ng plake, plaques, mementos, at Medalya ng Paglilingkod, bilang pagkilala sa katapatan at kapuripuring serbisyo sa PNP. Bilang pagkilala sa suporta at sakripisyo, ang mga pamilya ng mga nagretiro ay tumanggap ng sertipiko at mga bouquets ng bulaklak.

Nagsalita sa ngalan ng mga nagretirado, nagpasalamat ng taos puso si PMAJ. Tactay sa PNP sa pagbibigay ng platforma upang magsilbi sa bayan at sa pangangalaga ng mamamayan.

Kanya ring itinuon ang pagsuporta ng kanyang mga kasama, ang nakakataas at mas mahalaga ang kanyang pamilya sa kanyang karera.

Samantala, nagpahayag ng pasasalamat si PBGen Peredo Jr., sa lahat ng retirado at ang kanilang pamilya sa kanilang walang pag iimbot na dedikasyon at napakahalagang serbisyo sa PNP.

Ang Salamat Kapatid Program ay kumakatawan sa pangako ng PNP’sa pagbibigay parangal sa mga retirado na nag alay ng maraming taon upang magsilbi sa organization, sa bansa at sa mamamayan nito. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe)

(Source: PRO-COR)

Leave a Reply