30.1 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Baguio: Mga magsasaka sa probinsiya ng Benguet pinaalalahanan ng Provincial Agricultural Office

- Advertisement -

La Trinidad, Benguet – Nagpaalaala ang Provincial Agriculture Office ng Benguet sa mga magsasaka na kailangan mag ulat sila sa naturang opisina sa mga nasira o danyos ng kanilang pananim mula sa mga kalamidad upang mabigyan tulong sila ng gobierno.

Ipinialiwanag ni Provincial Agriculturist Delinia Juan na kung matanggap nila ang mga ulat ay mayroon silang pagbabatayan sa pag-assess kung anong klaseng tulong ang kanilang ibibigay sa kanila. Sinabi niya na mas mabuting maiulat nila agad sa barangay o sa sarili nilang Municipal Agriculture Office upang may official report kung saan ito ay ma-endorse din sa opisina nila para sa maaring karagdagang tulong.

Ipinaliwanag niya na may sinusundan silang protocol at may alituntunin at regulasyon na nais masunod sa pagkilala nila sa mga nararapat na mabigyan ng tulong.

Kaugnay dito, hiniling din ng provincial agriculturist na hindi lamang dito sa pagpopost sa mga social media ngunit mas magandang ipaalam nila mismo sa Municipal Agriculture Office nila upang agad mabigyan ng agarang atensyon o kaukulang aksyon.  (Joel Cervantes, photo courtesy of FARMLAND file)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -