Thursday, May 2, 2024

Baguio: Mga aktibidades ng kapulisan sa Cordillera tuloy- tuloy ang Illegal Drug Campaign nito

- Advertisement -

Mahigit sa Php36,506,348.40 halaga ng ilegal na droga ang nasamsam at 19 tulak ng druga ang nahuli sa isinagawang operasyon na ginanap noong Abril 8 hangang 14 ng taong ito.

Ayon sa ulat mula sa Police Regional Office – Cordillera, ang mga naaresto ay nakitaan ng hinihinalang shabu na may bigat na 23.96 na gramo at nagkakahalaga ng Php162,928.40.

Sa nasabing ulat, napag-alaman na sa 13 operasyon na isinagawa ng operatiba ang Baguio City Police Office ay nakahuli ng walong hinihinalang tulak ng droga. Ito ay sinundan ng Benguet Police Provincial Office (PPO) na nakaaresto ng apat na katao. Samantala, ang Abra Police Provincial Office at ang Kalinga Police Provincial Office ay nakapagtala ng tagtatlong naaresto at ang Apayao Police Provincial Office ay nakahuli ng isang katao.

Ang mga nahuli ay humaharap sa paglabag ng R.A. 9165 o ang tinatawag na Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Jimmy Bernabe)

(Source: PNP Corillera)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img