Baguio: Mga 161 illegal ongoing struktura inimbestigahan sa buwan ng Hulyo at Augusto ngayong taon

0
4

Baguio City – May kabuang 161 na ipinatatayong struktura na walang building permits ang inulat at inimbestigahan ng City Buildings and Architecture Office o ng CBAO noong Hulyo at Augusto ngayong taon.

Ito ang sinabi ni Engr. Donald Gas-ib, ang pinuno ng City Buildings and Architectures Office (CBAO) Investigation and Demolition Division.

Anya ang 127 sa nasabing struktura ay matatagpuan sa tituladong lote samantalang ang 21 ay hindi pa nagkakaroon ng titulo.

Siyam sa mga ito natagpuan nakapasok sa road right of way at ang dalawa ay nasa sapa. Ang dalawa ay nasa loob mismo ng Watersheds.

Noong Abril, may kabuang 223 pagtatayo ng mga struktura sa titulado at hindi tituladong lupa at maging sa road right-of-ways ang pinahinto dahil sa paglabag sa permiso samantala, 26 na bagong illegal na pagtatayo sa tatlong watersheds o mga tubigan ang ipapademolish.

Samantala, noong Mayo, may kabuang 102 pa ang patuloy na ginagawang illegal na struktura ang naiulat.

40 sa mga ito ay nasa tituladong lupa, 41 ang nasa hindi pa narehistrong lote o sa maikling salita walang titulo, 9 ang sumakop s road right of ways, samantalang walo sa mga lote ay sakop ng Certificate of Ancestral Land Titles o CALT at apat naman ang nasa loob ng watersheds o tubigan.  (Joel Cervantes | Jim Bernabe)

Leave a Reply