La Trinidad, Benguet – Aabot sa 186 na mga mamamayan mula sa iba’t ibang munisipyo ng Benguet ang nakatanggap ng financial assistance mula sa provincial government ng Benguet.
Ayon kay Acting Provincial Social Welfare and Development Officer Melba Motio, bahagi ito ng Assistance for Individual in Crisis Situation Program ng provincial government. Nais ng programa na matulongan ang mga mahihirap na mga pamilya na nangangailangan ng medical, burial expenses at ng iba pa.
Sinabi ni Motio na aabot sa kabuuang P1,740,000 ang naipalabas na pondo na ipinamigay sa mga benipisyaryo. Nagpasalamat ang Provincial Social Welfare and Development Officer kay Governor Melchor Diclas dahil sa nadagdagan ang cash aid para sa mga sasailalim ng dialysis, chemo therapy at heart operations.
Ang pagbabahagi ng cash assistance ay ginawa sa isang programa at ito ay pinangunahan ni Gobernador Diclas. (Joel Cervantes, photo courtesy of PLGU Benguet)