Baguio may mahigit na 6 na libong kaso ng Dengue

0
16
photo courtesy of PIO- Baguio

Baguio City – Inihayag ni Acting City Health Officer Dr. Celia Flor Brillantes na as of Sept. 5, 2024, mayroong 6,822 kaso ng Dengue sa lungsod ng Baguio na may kasamang 15 patay kabilang dito ang apat na mga bata na may edad mula isang taong gulang, apat na taong gulang, anim na taong gulang at siyam na taong gulang.

Karamihan sa mga namatay ay nasa edad na 31 hangang 50 taong gulang. Anya mas marami ang lalaking namatay kaysa sa mga babae. At karamihan sa mga namatay ay sa buwan ng Hunyo hangang Agusto.

Dalawa sa namatay ay taga Irisan at Camp 7 habang ang iba ay nasa natatanging lokasyon. Ang mga sampung barangay na may mataas na bilang ng kaso ng Dengue ay ang Irisan, Bakakeng Central, Asin Road, Pacdal, Sto. Tomas Proper, Camp 7, Gibraltar, Loakan Proper, Bakakeng Norte at Pinget.

Samantala, sinabi ni Mayor Benjamin Magalong kahit na ang kaso ng Dengue ay pababa na kailangan ng publiko na magpatuloy sa paghahanap at pagsira ng tirahan ng mga lamok at agad na magpakunsulta upang makaiwas sa kamatayan. (Joel Cervantes & Jimmy Bernabe)

(Source: PIO Baguio)

Leave a Reply