30.6 C
Manila
Sunday, April 21, 2024

Baguio: Marijuana bricks nakakarga sa dalawang sako na iniwan

- Advertisement -

Tinglayan, Kalinga – Nakadiskubre ang mga police ng Marijuana bricks sa Likoy, Barangay Centro Bangad, Tinglayan Kalinga itong mga nakaraang araw lamang nakalagay sa dalawang sako at iniwan sa gilid ng kalsada.

Batay sa ulat ng Tinglayan Municipal Police Station at ng 2nd Kalinga Provincial Mobile Force Company, ang dalawang sako ay naglalaman ng kabuuan ng 51 na piraso ng Marijuana bricks na nagkakahalaga ng P6,120,000.

Nadiskubre ang illegal na druga matapos ang isang concerned citizen ay nag ulat sa kanila kaugnay sa dalawang sako na kanilang natagpuan na hinihinala nilang may laman na Marijuana bricks.

Ang mga illegal na drugs ay dinala sa Tinglayan Municipal Police Station para sa dokyumentasyon bago dalhin sa crime laboratory ng Kalinga.

Sa kasalukuyan ay patuloy pa rin sa pagsisiyasat ang PNP kung sino ang nag iwan ng mga nasabing Marijuana bricks. (Joel Cervantes, photo courtesy of PRO-Cor)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -