33 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Baguio: Makapal na Hamog sa Halsema highway isang sasakyan nahulog

- Advertisement -

(Buguias Benguet) Isang aksidente na  naman ang nangyari sa  halsema highway, Lengaoan, Buguias, Benguet kahapon ng hapon  kung saan tatlong katao ang lulang ng isang sasakyan ng ito’y nahulog. Basi sa inbestigasyon ng pulis Buguias, papunta  sa La Trinidad, Benguet ang kulay berde isuzu  bighorn na sasakyan  at naaksidente sa lugar dahil makapal na hamog  at umuulan sa oras na yon.

Nasa mabuting kalagayan  ang tatlo  ng ito’y isugod sa pinakamalapit  na ospitala. Ang mga biahero na dumadaan sa lugar na ito ay napapansin  na makapal ang hamog at nagdudulot sa kapaligiran na nagiging puti ang daanan na kung minsan ay di mapansin na ang patutungohan ng sasakyan ay sa bangin. May mga pagkakataon din na ang   mga nakamotor o mga sasakyan ay nagkabangaan dahil sa kapal ng hamog sa lugar.

Ang mga ofisyales ng bayan ay  huminhingi sa tangapan ng DPWH-BED II na ito’y  dapat lagyan ng mga pintura o kaya mga  ilaw  para maging geya sa mga motorista.  Kung sa   centro  ng komunidad ay nalaglagyan ng mga pailaw sa daanan sana pati rin sa lugar na makapal ang hamog para  laking tulong sa mga biahero, lalo na mga magsasaka na nag hahatid ng kanilang gulay sa pabilihan. (RPN-BAGUIO/ JOEL CERVANTES)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -