Baguio City – Ito ang binigyang diin ni Comelec – CAR Regional Director Julies Torres sa ginanap ng kapihan sa Comelec. Anya, masasabing nag apply pa lamang ang naghahangad ng trabaho bilang isang naninilbihan sa gobierno.Kaya lamang, to magiging opisyal sa panahon ng pangangampanya sa susunod na taon. Sa ngayon, anya, kanya kanya ang mga naghahangad na ipakilala ang kandidato sa mga botante sa pamamagitan ng paggamit ng medya at pagtitipon. Itinataguyod ng Comelec ang gender equality at gender and development.
Ayon kay Comelec – CAR Regional Director Julies Torries, mayroon silang programa na Women in Election kung saan, hinihikayat nila ang pakikibahagi ng mga kababaihan sa pamamahala. Aniya, sa ilalim ng programa ay tinutulungan din nila ang mga kababaihang kandidato na maging mas aktibo Upang matiyak na ang karapatdapat na botante ay makakasali sa 2025 National and Local Elections. Ang Commission on Elections (Comelec) ay naghahanda ng program upang ang mga mamamyan ang makakapagrehistro.
Ayon sa Comelec, kasama rito ang pagsasagawa ng satellite registration sa bawat munisipyo upang maging madali at maginhawa sa lahat ng karapatdapat na mga mamamayan. Sinabi ni Comelec-CAR Regional Director Julius Torres nakapagsagawa na sila ng 1,421 satellite registrations sa buong rehion.
Samantala, sa ilalim ng Register Anywhere Program, ang Comelec-CAR ay nakapagproceso na ng may kabuang 2,112 na mga aplikasyon. Ang naturang programa ay hinahayaan ang mga tao na makapagrehistro bilang botante anuman ang kanilang tirahan. (RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jimmy Bernabe)
(Source: Pia Cordillera)