Baguio: Mahigit na 1 bilyong pisong halaga ang nasira ng Bagyong Egay sa Abra

0
4

Bangued, Abra – Ipinakita kay Pangulong Ferdinand “Bongbong “Marcos Jr. ang mga situational reports kaugnay sa naging epekto ng Bagyong Egay sa probinsiya ng Abra.

Inyong matatandaan na dumating ang Pangulo sa Abra noong Sabado. Sinabi ni Vice Governor Joy Bernos batay sa consolidated report nanggaling pa sa mga Local DRRMC, umaabot sa mahigit sa 1 billion piso ang halaga ng mga nasira sa kanilang probinsiya.

Bilang agarang tulong, Sinabi ni DSWD Sec. Rex Gatchalian na mayroong 20,000 Family Food Pack (FFP) na dumating noong Viernes habang 20,000 Family Food Pack din ang dumating noong parehong araw.  Ayon kay Sec. Gatchalian, 20,000 Family Food Pack ang inaasahang dadalhin sa araw ng Sabado o maaring nakarating sa mga panahon na ito.

Samantala tiniyak ni Pangulong Bongbong Marcos na ibibigay ng pamahalaan ang iba’t ibang tulong matapos ang pagtatasa o assessment ng lahat ng nasira at ang pangangailangan ng probinsiya.

Tatlo ang patay habang ang isa ay nawawala sa Abra dahil sa epekto ng Bagyong Egay doon.  Patay ang tatlong katao sa probinsiya sa Abra ayon sa napag usapan sa ginanap na emergency meeting ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) sa pamamagitan ng pamumuno nila Gobernador Dominic Valera at Bise Gobernador Joy Bernos. Maliban sa mga namatay ay apat na katao ang nasugatan habang ang isa pang katao ang nawawala.

Ayon sa ulat, Umaabot na sa 41, 627 na mga pamilya doon ang naapektuhan na binubuo ng 161, 630 na mga katao mula sa iba’t ibang munisipio sa Abra.

Batay sa estado ng national, provincial, at municipal roads, may 30 road section ang maaring gamitin o passable, 47 na mga road section ang hindi maaring daanan o unpassable at isang road section ang maaring daanan para lamang sa mga light vehicles.

Umaabot na sa P24, 669,183 ang kabuong tinatayang halaga ng mga nasira mula sa mga balay, pananim, tree plantation, fisheries, livestock, agri-infra, agri-machineries, agri-land, irrigation, mga tulay, mga daan at flood control.

Dumating sa Abra sila Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., si Senadora Imee Marcos kasama nila si DSWD Secretary Rex Gatchalian upang alamin nila ang kalagayan ng naturang probinsiya. (Joel Cervantes, photo courtesy of PIA-Cordillera)

Leave a Reply