Baguio: Mahigit na 1.2M halaga ng tanim na marijuana natagpuan sa probinsiya ng Benguet

0
6
photo courtesy of PNP Cordillera

La Trinidad, Benguet – May kabuang Php1,284,000.00 ang halaga ng tanim na marijuana plants ang natagpuan sa mga munisipyo Kibungan at Bakun dito sa probinsiya ng Benguet kasunod ng magkahiwalay na operasyon sa pagsugbo ng illegal na pananim na isinagawa ng miyebro ng kapulisan mula sa Benguet Police Provincial Office (BPPO) noong Araw ng Martes Abril a 9 ng taong ito.

Sa Brgy. Tacadang, Kibungan, ang magkatuwang na operatiba laban sa illegal na druga mula iba’t ibang units ng Benguet PPO kasama nila ang Regional Intelligence Division (RID) at Philippine Drug Enforcement Agency-Cordillera ay nakatagpo ng may kabuang 3,000 piraso ng ganap na laking tanim na marijuana na nagkakahalaga ng PhP600,000.00 mula sa isang plantation site sa Sitio Bana.

Samantala, sa isang marijuana operation na isinagawa sa Brgy. Tacadang, Kibungan, ang magkatuwang na operatiba laban sa illegal na druga ng Kibungan Municipal Police Station kasama nila ang PDEA-CAR ang nakadiskubre ng karagdagan na 3,000 piraso ng ganap na laki ng tanim na marijuana na nagkakahalaga PhP600,000.00 mula sa dalawang marijuana plantation site sa Sitio Talo-an.

Samantala, sa Brgy. Kayapa, Bakun, ang magkasanib na operatiba ng Bakun Municipal Police Station katuwang nila ang PDEA-CAR ay nakadiskubre ng 420 piraso ng ganap na laki ng tanim na Marijuana na nagkakahalaga ng PhP84,000.00 mula sa isang plantation sa Sitio Baey-Anito.

Matapos na maidokumento ang mga tanim na marijuana, ang mga ito ay binunot at sinunog din sa naturang site habang ang imbestigasyon ay patuloy pa rin isinasagawa upang matukoy ang mga nagtanim nito. (Jimmy Bernabe | Joel Cervantes)

(Source: PNP Cordillera)

Leave a Reply