Baguio: Magpinsang menor de edad nalunod sa Dalupirip, Itogon, Benguet

0
6

Itogon, Benguet – Nalunod ang dalawang magpinsang dalaginding sa Agno river sa Sitio Salapsap, Dalupirip, Itogon kahapon ng hapon, Octobre 23, 2022.

Visit RPN DZBS Baguio

Kinilala ng Itogon Municipal Police Station ang mga biktima na sila Collen Chance Pangang-at Flores at si Cherry Leigh Dumalog Pangang-at.  May edad itong 16 at 15 anos at tiga Virac, Itogon, Benguet.

Ayon kay Police Major Matthew Burgos, ang hepe ng Itogon Municipal Police Station, nagpaalam ang magpinsan sa kanilang magulang upang tumawid at lumangoy sa nasabing ilog. Sa kasamaang palad, habang tumatawid sa ilog, doon naman inanod ang mag pinsan dahil sa malakas agos ng tubig.

Sa kasalukuyan, isang search and rescue operation ang isasagawa ng mga miyembro ng Barangay Health Emergency Response Team, at ng ibang rescue teams ng nasabing munisipio. Nailigtas si Cherry Pangang-at pero si Collen Flores ay kasalukuyang nawawala at isinasagawa ang search and rescue. (Joel Cervantes, photo courtesy of LGU Itogon)

Leave a Reply