Baguio: LGU Itogon magsasagawa ng iba’t ibang gawain para sa pagdiririwang ng Buwan ng Kalikasan

0
4

Itogon, Benguet – Iba’t bang gawain ang nakahanda para sa pagsasagawa ng lokal na gobierno ng Itogon sa pagdirirwang ng Environment Month sa nasabing munisipio.

Ayon kay Konsehal Lison Latawan, ang chairperson ng Clean and Green Committee ng Itogon, magsasagawa ng sabay–sabay na clean-up drive sa buong munisipyo sa Hunyo a 9, 2023.

Hinihikayat ang lahat ng mga naninirahan, mga local organisasiyon, mga volunteers na maki isa sa paglilinis ng parke at pampublikong mga lugar.

Ang nasabing gawain ay ang pinaka highlights ng nasabing pagdiririwang ay ang pagtatanim ng puno sa sadiay Phase III, Besil sa dararating na Hunyo a 16. Ang naturang hakbang ay nais nilang ibalik ang mga natural na halaman sa Itogon.

Kanyang idinagdag nais din nilang magsagawa ng special clean-up drive sa bahagi ng Ambalanga River o ang tinatawag na “Save Ambalanga River” campaign.

Sa Hunyo a 30, ay magsasagawa din ang Clean and Green Committee ng first assessment sa search for the best Barangay Solid Waste Program. Sinabi din ng naturang opisyal na ang nasabing programa ay bilang pagkilala sa mga nagawa ng mga barangay sa epektibong pamamahala nila ng iti solid waste, ang paggamit ng recycling at ang pagbabawas ng tinatawag na pangkahalatang waste generation.

Ayon din kay Mayor Bernard Waclin bilang isang kawani ng gobyerno kailangan ang pagtulongan sa isa’t isa para makamtan and maganda ng kapaligiran. (Joel Cervantes, photo courtesy of LGU Itogon)

Leave a Reply