Baguio: Laking pasasalamat ng mga opisyalis ng Mt. Province sa tulong pinansyal at pondo para sa iba’t ibang pangkabuhayang proyekto

0
16
photo courtesy of PIA-Cordillera

Bauko, Mt. Province – Pinangunahan ni DOLE-CAR Regional Director Nathaniel Lacambra ang paggawad ng 7.9 million pisong halaga ng mga pangkabuhayang proyekto at tulong pinansial para sa mga benepisyaryo sa Mt. Province.

Sinabi ni Dir. Lacambra na ang pagbabahagi ng pinansial na tulong at pangkabuhayang proyekto ay parte ng “Handog ng Pangulo, Serbisyong Sapat, Para Sa Lahat” program ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ating mga kababayan para sa kanyang ika 67th kaarawan noong Septiyembre a 13.

Ito ay nasaksihan nila Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity Secretary Carlito Galvez Jr. sinamahan din siya ni DOLE-CAR Regional Dir. Lacambra at ang opisyal ng Mountain Province sa pangunguna ni kongresista Maximo Dalog Jr., Gobernador Bonifacio Lacwasan, Bise Gobernador Francis Tauli, Bauko Mayor Randy Awisen at ang mga kinatawan ng mga regional and provincial offices ng DA-CAR, DSWD-CAR, DTI-CAR, DENR-CAR at TESDA-CAR sa Mount Data barangay hall sa Bauko. (Joel Cervantes & Jimmy Bernabe)

(Source: PIA-Cordillera)

Leave a Reply