Wednesday, May 8, 2024

Baguio: Kulang ang guro sa Cordillera

- Advertisement -

Inamin ng pamunuan ng Department of Education – Cordillera na nagkukulang pa rin ang mga guro sa paaralan nasabing rehiyon.

Visit RPN DZBS Baguio

Ito ang ibinunyag ni Dep-Ed CAR regional director Estrelita Carino.  Ito umano ang kanilang isinasama sa opening items na kasama sa pagbubukas ng paaralan at pagpasok ng mga estudiante sa tuwing magsusubmite sila ng kanilang proposal sa main office sa kamaynilaan.

Ayon kay Carino, kukunti ang nagsusubmit ng application sa pagtuturo at ganon ng ang pag offer ng mga teaching items.

Sinabi ni Carino na nangangailangan sila ng mga guro sa junior at senior high school dahil sa lumalaking populasyan ng mga kabataang nagnanais mag aral.

Di lang yon, anya nangangailan din ng guro sa kinder hangang grade 6. Upang matugunan ang mga kakulangan, Sinabi ni Carino, ang mga guro na nagtuturo sa mababang grade ay inaatasan nilang magturo sa higher grades tulad ng 5 and 6.

Kung magkaminsan, Sila daw umano ay kumukuha na lamang ng mga learner Support Aides at kung magkaminsan kumukuha din sila ng mga volunteer teachers upang mapunuan ang mga kakulangan sa pagtuturo.

Pinapurihan ni Carino ang mga Local Government units tulad ng City and Provincial Govenrment sa Rehiyon Cordillera sa pagbuo ng Local School Board sa ayuda  nito sa pagsuporta nito sa mga kakulangan ng mga teachers. (Joel Cervantes, photo courtesy of Dep-ed CAR)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img