Tuba, Benguet – Ang Kennon Road sa Tuba, Benguet ay sarado dahil sa madulas na daan sanhi ng mahinang pondasyon nito dulat ng pagtaas ng tubig mula sa Bued River na gawa ng mga malalakas na pag ulan.
Ang kagamitan at mga manggawa ay itinalaga na upang alisin ang mga nakabarang lupa at bato sa daan upang sa ganon ay magamit ang isang bahagi ng kalsada. Magkaganon man, ang mga motorista ay pinapayuhan na gumamit na lamang ng Marcos Highway o ang Asin-Nangalisan-San Pascual Road hanggang sa karagdagang paunawa.
Ang ahensiya ng DPWH ay naka bantay sa nasabing kalsada dahil di na ito madaanan ng mga sasakyan at kailangang gawin ang pundasyon at magawa ito bago daanan ng mga sasakyan. (Joel Cervantes & Jimmy Bernabe)
(Source: PIO Cordillera)