Baguio: Kennon road sa Camp 2, Twin Peaks, Tuba, Benguet nakakaranas ng trapiko dahil sa nasira na kalsada

0
19
(Credit to PRO-CAR)

Tuba, Benguet – Ang Kennon Road lalong lalo na sa Camp 2, Twinpeaks, Tuba, Benguet ay nakakaranas ng mabagal na pag usad ng trapiko simula noong isang umaga dahil na rin sa umaakyat na mga turista.

Ang mga motorista na pumapasok at lumalabas ng lungsod ng Baguio sa pamamagitan ng Kennon Road ay pinapayuhan na gamitin na lamang ang Marcos Highway, Asin–Nangalisan-San Pascual – La Union Boundary road bilang kapalit na ruta at sa pag iwas na rin ng mabigat na trapiko.

Ang lungsod ng Baguio at ang iba pang lugar sa Cordillera ay takbuhan ng mga taong taga baba at ng taga metro manila upang iwasan ang init sa kapatagan. (RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jimmy Bernabe)

(Source: PRO-CAR)

Leave a Reply