29.5 C
Manila
Wednesday, April 17, 2024

Baguio: Kautosan ng korte na ang bank account ng BENECO pinahintulot na mabuksan na

- Advertisement -

Baguio City – Isang judge sa Baguio inutusan ang China Savings Bank na ilabas nito ang ₱ 45 million upang bayadan ang obligasyon ng Beneco sa NGCP.

Iniutos ni Regional Trial Court (RTC) Branch 7 Presiding Judge Cecilia Corazon S. Dulay-Archog ang China Savings Bank, Inc. na i un-freeze Benguet Electric Cooperative’s (BENECO) account at bayaran ang National Grid Corporation of the Philippines o ng NGCP.

Sinabi ni Judge Archog ang “China Savings Bank Inc., minanduhan nito ang pagsagawa ng pagwiwithdraw ng Beneco sa halagang ₱ 45,724,054.85 mula sa account nito upang gamitin na pambayad ng nasabing electric cooperative sa NGCP.

Ang utos ni Judge Archog ay maiimbsan ang nakatakdang disconnection umano ng Beneco mula NGCP grid na maaring magresulta ng malawakang blackout sa lungsod at maging ng probinsiya ng Benguet dahil kung hindi ito umano makakabayad ng financial obligation.

Ang NGCP ay ang operator ng power grid na nagdadala ng kuryente sa Beneco at ng iba pang distribution utilities ng bansa sa substations nito para sa safe distribution sa lahat ng Beneco consumers.

Ang desisyon ng Judge ay resulta sa Civil Case No. 9502-R isinampa ng China Bank Savings Inc. laban sa kampo ni BENECO General Manager Melchor S. Licoben at ni Atty. Omar Mayo ng National Electrification Administration (NEA) at si Atty. Ana Maria Paz B. Rafael.

Ang kampo ni Licoben sa pamamagitan ng abogado na si Atty. Delmar O. Carino, ang nagsabi sa korte na ang NGCP’s billing para buwan ng Octobre 2022 ay para ito sa regulated transmission charges. Sinabi ng naturang abogado na ang bill ay dapat mabayaran sa takdang panahon o bago mag Nobyembre 25 ng taong kasalukuyan o mapipilitang magbabayad ito ng danyos at maging ang pagkaputol o disconnection sa nasabing grid. “Ito ang kanyang sinabi sa korte sa kanyang motion for the release of the deposit.

Matatandaan na ang BENECO’s financial difficulties ay nagsimula nang ang accounts nito sa iba’t ibang banko ay ipinahinto o wikang English na ifrozen dahil umano sa kagagawan ng kampo ni mayo at ni Rafael matapos mabigo ang pagtatangka nitong kunin ang Beneco mula sa legitimong namamahala noong Oktubre 18 ng 2021.

Maliban sa NGCP, Ang BENECO umano ay may di pa nababayad na obligasyon mula sa power supplier nitong TEAM Energy. (Joel Cervantes, photo courtesy of BENECO)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -