Baguio City – Isang panukalang ordinansiya na nagnanais na mapaganda ang serbisyo ng pampublikong transportasyon ang inilatag sa Sangguniang panglungsod ng Baguio kamakailan lamang. Ayon sa may akda nito na si konsehal Leandro Yangot Jr. nais ng panukalang ordinansiya bigyan ng katiyakan ng mga mananakay o mga pasahero ng ligtas, mabisa, at marespektong pagseserbisyo ng mga taxi at jeepney drivers sa lungsod ng Baguio.
Sa ilalim ng panukalang Passengers’ Rights Ordinance, ang mga pasahero ng pampasaherong sasakyan ay may karapatan na magkaroon ng ligtas at respetadong serbisyo mula sa mga drivers na magalang, tapat at hindi na ilalim ng druga at may maayos at ligtas na tumatakbong sasakyan. Ang ordinansiya ay nagnanais na matiyak na malinaw ang pagkalkura ng pamasahe kasama ang calibrated at sealed taxi fare meter at ang pagtanggap ng tamang sukli kasama dito ang opisyal na resibo mula sa mga taxi.
Ayon sa naturang ordinansiya, ang mga pasahero ay protektado sa mga hindi patas na pamamaraan o unfair practices sa wiking english tulad ng pagtangging isakay ang pasahero ayon sa distansiya o kondisyon ng trapiko at ang pagtanggap ng mahigit sa isang pasahero bawat biayahe.Â
Kasabay nito, silang mga pasahero ay may karapatan na humingi ng tulong at ng kaluwagan sa paglalakbay para sa mga taong may kapansanan at ang kagustuhan na mapa andar ang aircon ng taxi, ilaw o ang smooth ride sa taxi. Ang ordinansiya ay nangangailangan nakapaskil ang emergency numbers sa loob ng mga taxis para sa karaingan at tulong na maliwanag nakikita at obligadong nakikita ang driver identification cards. Ang mga pasahero ay maaring magsampa ng karaingan laban sa mga lumalabag sa LTFRB.Â
Ang sumbong o karaingan ay dapat maaksyonan sa loob ng pitong araw na trabaho o Seven working days matapos ang pagaayos upang magkasundo o pagpapasya. Ang mga lumabag na PUV drivers ay haharap sa kaparusahan sa mga kasalukuyang batas, alituntunin at regulasyon. Sa unang paglabag, ang driver ay papatawan ng multang nagkakahalaga ng P1,500.00 at maari pang masuspindi.
Sa ikalawang paglabag ay magreresulta sa pagmulta ng P3,000.00 at anim na buwan na pagkasuspendi ng driver’s license.  At para sa ikatlo at magkakasunod na pagkakasala, magmumulta ng fine of P5,000.00 kasama dito ang isang taong suspension ng driver’s license. Kung ang driver ay hindi makapagbayad ng multa, ang pananagutan ay ililipat sa operator nito. Bilang karagdagan, ang lahat ng nagkamaling driver at operators ay kinakailangang dumalo sa education seminar na inirekomenda ng LTFRB. (RPN-Baguio/Jimmy Bernabe/Joel Cervantes/source: PIO-Baguio)