Baguio City – Ipinaalala ni City Health Services Officer, Dr. Celia Flor Brillantes, sa publiko ang mga pangkaraniwang sakit sa panahon ng tag-ulan at maging sa panahon ng taglamig. Ani ni Brillantes, pangunahing bigyan ng pansin ang mga sakit tulad ng dengue, leptospirosis, at ng flu o trangkaso. Kung hindi maganda ang inyong pakiramdam, magpunta na sa pinakamalapit na health center sa inyong lugar.
Ipinatawag na paglilinis, pamahalaang lokal at maging ang mga nagboluntaryo, tumugon sa panawagan ni Mayor Magalong. Magkatuwang na naglilinis ang mga tauhan ng Baguio City Police Office, Public Order and Safety Division, barangay officials, at volunteers sa kani-kanilang nasasakupan na lugar dito sa lungsod ng Baguio nag-umpisa noong Sabado. Ito ay tugon sa panawagan ni Mayor Benjamin Magalong na magsagawa ng paglilinis upang mapanatili ang kalinisan sa lungsod ng Baguio matapos ang pananalasa ng Bagyong Kristine.
Matapos ang pagsasagawa ng paglilinis, agad namang nagpahatid ng pasasalamat ang Alkalde sa lahat ng tumulong upang mapanatiling malinis ang ating lungsod.
Sa kaugnay na balita, Sinabi ni Mayor Benjamin Magalong nakakakita na siya ng pagbabago patungkol sa pamamahala ng Basura. Ito ay kanyang inihayag matapos niyang masaksihan ang mga taga Baguio sa kanilang pakikipagtulungan sa paghihiwalay ng mga basura at ang paglalagay ng tinatawag na Black Soldier Fly facility sa Irisan Ecopark.
Ang Black Soldier Fly facility ay isang uri ng pamamaraan upang mabigyang solusyon ang problema sa biodegradable na basura. Ang naturang pasilidad ng lokal na pamahalaan ay mas pinapadali nito ang pagkabulok ng pagkaing basura na mas madali at mabisa pa.
Ayon sa ulat ang pasilidad ay nakakaproceso ng 20 kilo ng pagkaing basura sa araw –araw. (RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jim Bernabe)
(Source: DA-CAR)
-30 –