Baguio: Kahilingan ng Senior Citizens Official For-A-Day para sa pag-aayos ng kalsada na sinira ng bagyo, binigyang aksyon ni Mayor Magalong

0
4

Baguio City – Pinagtibay ni Mayor Benjamin Magalong ang Council Resolution No. 618, Series of 2023, na humihiling sa Department of Public Works and Highways-Baguio City District Engineering Office (DPWH-BCDEO) at sa City Engineering Office (CEO) na aspaltuhin ang mga kalsada o daan na sinira ng mga bagyo nagdaan sa lungsod ng Baguio.

Ito ang kahilingan ng mga umupong Senior Citizens Official For-A-Day o SCOFAD na nag session noong Oktubre a 9, ng taong ito, ang SCOFAD Council ay tinangkilik nila ang panukala ni SCOFAD Vice-Mayor Ray F. Ekid na humihiling na gawin ang naturang bagay.

Inyong matatandaan na noong Hulyo a 25, ng taong ito, ang Bagyong ‘Egay’ ay tumama sa lungsod ng baguio at sa ibang bahagi ng Hilagang Luzon na nanira ng ilang struktura, namunot ng mga punong kahoy, lumikha ng baha at pagguho ng lupa sa maraming bahagi ng lungsod at naging sanhi rin ng pagkawala ng kuryente sa maraming barangay sa Baguio dahil na rin sa bumagsak na mga poste ng kuryente. 

Dahil dito ang lokal na konseho ay nagpasa ng Resolution No. 494, Series of 2023, na naglalagay sa State of Calamity ang lungsod ng Baguio noong Augusto a 8, 2023 dahil sa mga sirang dulot ng bagyo sa infrastructura at agrikultura.

Dito ay binigyang diin ang pangangailangan sa madaliang inspeksyon at pagsasaayos ng mga kalsada matapos ang bagyo ang mga naturang opisina upang matiyak na ito ay ligtas na gamitin ng publiko. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe, photo courtesy of Baguio City Information Office)

 

Leave a Reply