27.9 C
Manila
Tuesday, April 16, 2024

Baguio: Jammes “Wonder boy” Martin bagong Champion ng IBF Pan-Pacific Super Bantamweight

- Advertisement -

La Trinidad, Benguet – Tinalo ni Cordilleran boxer World Boxing Association Super Bantamweight Champion “Wonder Boy” Carl Jammes Martin si World Title Kromgrich Nantapech sa isang boxing match nila sa Cordillera Career Development College noong Sabado ng gabi.

Nanalo si Martin sa pamamagitan ng knock out sa ikalawang round ng kanilang laro. At dahil dito, natamo ni Wonder Boy ang ikalawang belt bilang bagong champion ng International Boxing Federation – Pan- Pacific super bantamweight.

Nananatiling di talunan si Martin at mayroon nang itong boxing professional records na 21 panalo, walang talo at 17 knock outs.

Samantalang si Nantapech ay mayroon record itong 31 panalo, 7 talo at 22 knock outs. Sinabi ni Wonder Boy na nais pa rin niyang lumaban sa susunod na taon. (Joel Cervantes, photo courtesy by Clint Taynan)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -