31.9 C
Manila
Thursday, April 18, 2024

Baguio: Isang vehicular accident ang nangyari sa Kabayan, Benguet

- Advertisement -

Kabayan, Benguet – Tatlong katao ang agad dinala sa ospital ng mga nagresponding pulis mula sa Kabayan Municipal Police Station (MPS) matapos ang isang vehicular accident na nangyari sa Kabayan, Benguet noong isang araw.

Ayon sa Kabayan Municipal Police Station, ang driver na nagmamaneho ng isang Toyota FX ay dumadaan sa Sitio Tinungshol, Brgy. Kabayan Barrio papuntang Kabayan, Benguet na ang brake system ng nasabing sasakyan ay biglang nasira na nagresulta ito sa driver na mawalan ng control ang manebela at bumangga ito sa kaliwang bahagi ng daan at nagpatihaya.

Ang naging resulta ay ang driver kasama ang dalawang pasahero nito ay dinala ng mga sumaklolong pulis sa Kabayan Rural Health Unit (RHU) para sa paunang lunas ng mga ito.

Napag-alaman na ang dalawang pasahero ay nagtamo ng minor injuries at sila agad pinauwi matapos sabihan ng doctor na sila ay out of danger na.

Samantala, ang driver na nagtamo ng multiple injuries ay dinala sa Dennis Molintas District Hospital (DMDH) para sa karagdagang obserbasion at medical intervention. (Joel Cervantes, photo courtesy of Kabayan MPS)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -