Baguio: Isang tourist spot sa Sablan, Benguet ito’y binuksan

0
87

Sablan, Benguet – Ang pagbubukas ng To’wing falls sa Sablan, Benguet ay malaking tulong sa mga mamamayan doon at maging sa gobiernong lokal ng naturang bayan. Inaasahan ng mga mamamayan ng Barangay Poblacion sa Sablan, Benguet na sa pamamagitan ng muling pagbubukas ng To’wing riverfalls” ay magkakaroon sila ng karagdagang hanap buhay lalo na sa pagdating ng mga turista na bibisita sa naturang tourist spot.

Ang To’wing Falls ay binuksan matapos ang maraming taon na nakasara ito sa publiko.  Ayon kay Lilian Balangue at Feliza Rafanan ng Lower Poblacion Sablan, Benguet isang bagong pagkakataon para sa kanila ang pagbubukas ng nasabing talon dahil sa maari nilang muling ibalik ang kanilang souvenir shops kung saan ang mga turista ay makakabili habang sila ay nanamasyal doon.  Dahil dito, makakatulong ito sa mga mamamayan upang mapaunlad ang kanilang kabuhayan.

Samantala, sinabi ni Sablan Mayor Alfredo Dacumos Jr., sa kasalukuyan hindi pa sila sumisingil ng “entrance fee” dahil sa wala silang resibo at ang Implementing Rules and Regulations o kaya ang IRR na may konneksyon sa pagbubukas ng nasaing tourist spot.

Ang mga maaring gawin doon sa To’wing falls ay lumangoy, magpicnic at magtrekking.  Sinabi ng Mayor, maari rin silang mamangka doon ngunit sa ngayon ay hindi pa maari dahil wala pang taong magbabantay doon. Ang naturang lugar ay may 20 minutong biaye mula sa Baguio at 30 minuto mula sa La Union. (Joel Cervantes, photo courtesy of LGU Sablan)

Leave a Reply