Baguio: Isang taga-Sabangan, Mt. Province ang kauna unahang Igorota Police General sa Rehiyon Cordillera

0
70

Baguio City – Pinangunahan ni PNP Chief General Rodolfo Azurin Jr. ang pananumpa ng mga bagong itinalagang police officers kasama ang isang first police lady general mula sa Cordillera Region sa Camp Crame noong lunes, December 12, 2022.

Ang bagong katatalagang Police Brigadier General Jezebel Dominguez Medina ay magsisilbing acting chief of the PNP Health Service. Siya ay nagmula sa Municipio ng Sabangan, Mountain Province.  Si Police Brig. General Medina ay isang dentist bago siya pumasok sa serbisyo sa pamamagitan ng pagsama sa Class of 1993.

Si Police Brig Gen. Medina ay sinamahan ng kanyang asawa na si PBGen. Remus Medina at ang kanilang mga anak sa pagbibigay parangal sa mga bagong ranggong pulis ng bansa.

Ang Major Generals o ng two-stars na naitaas ang ranggo ay sina Edgar Allan Okubo na siyang director of the PNP Special Action Force at si Ritchie Posadas na magsisilbing Deputy Director ng APC Southern Luzon.

Ang mga bagong heneral na galing ng Cordillera ay kinabibilangan nila Police Brig Gen. Mark Pespes, Police Brig. Gen. Ramil Saculles, Police Brig Gen. Patrick Joseph Allan at si Police Brig.  Gen. Roderick Minong. (Joel Cervantes, photo courtesy of PIA–Cordillera)

Leave a Reply