Baguio: Isang sunog naganap sa Engineers Hill Baguio City

0
48
photo courtesy of PIO Baguio

 

Baguio City – Isang sunog ang tumupok ng isang kuarto sa isang tahanan sa kahabaan ng Villalon St. Upper Engineers Hill sa oras ng  2:45 kahapon ng hapon. Naapula ang sunog ng bandang alas 3:05 ng hapon din iyon. Ayon kay Fire Officer 1 Ervin Quiaoan ng  Baguio City Fire Station. Wala naman naulat nasaktan sa naturang sunog, ayon sa paunang situational report na isinumete ni Baguio City Police Office (BCPO) City Director PCol. Ruel D. Tagel. Agad tumugod sa naturang lugar ang mga tauhan ng BCPO substation  3, Traffic Enforcement Unit, at Bureau of Fire and Protection. 

 

Patuloy ang kinauukulan sa  pagiimbestiga sa sanhi ng sunog. (RPN-Baguio/Jimmy Bernabe/JoelCervantes/Source: PIO Baguio)

Leave a Reply