Itogon, Benguet – Isang security guard ang humaharap sa kaso ng Homicide matapos na aksidente niya itong nabaril ang kanyang buntis na live partner nito. Kaso ng homicide ang hinaharap ng isang 20 anyos na Security Guard na hindi naman niya sinasadyang mabaril ang 16 na taong babaeng buntis na live in partner nito sa Sitio Omico, Barangay Ampucao, Itogon, Benguet kamakailan lamang.
Ang suspek ay kinilala sa pangalang Matt Angelo Tabono Alabag, isang tubo na La Union, Isang Security Guard ng isang Minahan at nakatira sa nasabing lugar. Ayon sa police report ng Itogon Municipal Police Station, nililinis ni Alabag ang kanyang service Firearm, isang Caliber 9mm Armscore nang noong aksidente niyang nabaril ang biktima.
Agad dinala ng suspek ang biktima sa Sto. Nino hospital sa Philex Mines ngunit naideklarang dead on arrival.
Sa ngayon, ang suspek ay nakapiit sa kulungan ng Itogon Municipal Police Station. Kaso ng homicide ang ipinila sa suspek at makakawala lamang ito kung magbabayad ng 200,000 bilang piyansa. (Joel Cervantes, photo courtesy of PNP Itogon)
