Baguio: Isang High Value Individual Drug personality nahuli sa La Trinidad, Benguet

0
12

La Trinidad, Benguet – Matagumpay nahuli ang isang High Value Individual Drug personality sa Balili, La Trinidad noong gabi ng Miyerkules Pebrero 1, 2023. Ito ang resulta ng buy-bust operation na isinagawa ng Regional Drug Enforcement Unit ng Police Regional Office Cordillera, Provincial Drug Enforcement Unit, La Trinidad Municipal Police Station, Philippine Drug Enforcement Agency at ng iba pang unit ng PNP.

Nakilala ang suspek na ni Rolando Bernardino Caranto 37-anyos, may asawa, isang vegetable packer, tubo ng Binmaley Pangasinan at naninirahan sa Sitio Lubok, Balili La Trinidad.

Ibenenta ni Caranto ang isang pakete na naglalaman ng shabu sa isang miyembro ng police operative nakunwaring posuer buyer. Ito ay bigat na 0.5 grams at nagkakahalaga ng P3,400.

Nasamsam sa nasabing suspek ang 6 na plastic sachets na naglalaman ng shabu, may bigat na 6.5 gramo at nagkakahalaga ng P44,200 kasama pa ang P500 a buy-bust money, lighter at cellphone na ginamit ng suspek sa illegal na transaction.

Ang suspect ay pansamantalang nakakulong sa La Trinidad Police Station at inihahanda na ang kaso sa paglabag ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Joel Cervantes, photo courtesy of PRO-COR PIO)

Leave a Reply