33.2 C
Manila
Monday, April 15, 2024

Baguio: Isang drug personality nahuli sa Abra mahigit sa P42K halaga ng shabu nasamsam

- Advertisement -

Bangued, Abra – Isang drug personality ang humaharap ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 matapos siyang mahuli sa isang buy-bust operation naisagawa sa Bangued, Abra noong Martes Enero a 9, 2024.

Ayon sa ulat na isinumite kay PRO Cordillera Regional Director, Police Brig. Gen David K. Peredo, Jr, ang naarestong suspek ay kinalala bilang si Sherlly B Cassim, 41 anos at isang residente ng Calaba, Bangued.

Ang suspek na Cassim ay hinuli ng magkasamang operatiba ng Abra PPO Provincial Drug Enforcement Unit, Bangued Municipal Police Station (MPS), La Paz MPS, Regional Mobile Force Battalion 1504th Maneuver Company, Regional Intelligence Division at Regional Intelligence Unit-14 matapos siyang magbenta ng isang sachet ng hinihinalang “shabu” na may bigat na mahigit kumulang sa 1.23 gramo na nagkakahalaga ng Php8,364.00.

Sa kanyang pagka aresto, may mga 121 piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet ng hinihinalang “shabu” na may bigat 5 gramo nagkakahalaga ng Php 34,000.00 at iba pang drug paraphernalia ang nasamsam mula sa kanya.

Ang suspek at ang nakumpiskang piraso ng mga ebidensiya ay dinala sa custodiya ng Benguet Municipal Police Station para sa dokumentasyon at wastong disposisyon. (Joel Cervantes/Jimmy Bernabe, photo courtesy of Abra PPO)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -