Baguio: Isang 16-taong gulang na kabataan nagligtas ng biktima ng atake sa puso sa pamamagitan nagsagawa ng CPR

0
16
photo courtesy of PIO Baguio

Baguio City –  Isang kabataan na taga barangay Pinget ang umani ng papuri sa pagliligtas ng isang matanda lalaki sa pamamagitan ng pagsasagawa ng paunang lunas at ng cardiopulmonary resuscitation o CPR. Kinilala ang nasabing kabataan sa pangalan na  si  Juan Carlos “JC” Sumbad, na isang labing anim na taong gulang. Si Victor Chua, ang anak ng  64-taong gulang na lalaki ay nagpasalamat kay JC sa pagkakaligtas ng kanyang Ama.

 

Sinabi ni Victor na si JC ay walang pagalinlangan na bumaba sa Jeepney na kanyang sinasakyan upang tulungan ang kanyang ama nakita ng kabataan nakahandusay sa daan sa Dizon subdivision. Napagalaman na ang kanyang Ama na isang stroke survivor ay inaatake sa sakit sa puso.  Sinabi ng mga  medical responders sa kanya na kung hindi sa mabilis na pagkilos ni JC, ang kanyang Ama ay namatay na.

 

Sa ngayon anya ang kanyang ama ay lumabas na mula intensive care unit at ngayon ay sumasailalim ng heart bypass operation. Napag alaman ni Mayor Benjamin Magalong ang kabayanihang ipinamalas ni JC, nagpahayag ang pamahalaang lungsod ng pasasalamat at pagmamalaki sa pagkakaroon ng isang kabataan na nagpamalas ng huwaran o kapuripuring pagkatao. (RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jimmy Bernabe/Source: PIO Baguio)

 

Leave a Reply