Baguio: Ipinapaalala ng Munisipyo ng Itogon ang pagbabawal sa hayop na pagala-gala at pagkakalat sa mga pampublikong lugar ng Itogon

0
8
photo courtesy of PIO Itogon

Itogon, Benguet – Ang Executive Order No. 01, Series of 2021, na nagbabawal sa hayop na pagala gala at pagkalat sa mga pampublikong lugar ay muling ipina-alaala ni Mayor Bernard Waclin.

Ang panuntunan at regulasyon ay itinakdang isagawa ang naturang ordinansiya. Ang mga barangay ay binigyang kapangyariahan upang hulihin at ikulong ang anumang hayop na gumagala sa pampublikong lugar.

Kung kukunin ng may-ari ng hayop, kinakailangang magbayad ng impounding fee, depende sa anumang klase ng hayop at bilang ng araw nakakulong ito.

Ang multa mula P500 hangang P1000 at community service ang ipapataw sa sinumang tao, mas lalo na sa may ari sa paglabag ng naturang ordinansiya. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe)

(Source: PIO Itogon)

Leave a Reply