Friday, May 3, 2024

Baguio: Industria ng pag aabel sa Cordillera palalakasin

- Advertisement -

Gobierno, nais palakasin ang industria ng pag aabel sa Rehion Cordillera.

Ito ang napag alaman ng RPN News Baguio, sa katunayan sa ipinahayag ng mga iba’t ibang ahensiya ng gobierno, nagkaroon ng lakas loob ang mang aabel sa magpatuloy sa kanilang industria.  Nais tulungan ng ahensiya ng gobierno particular na ang Department of Trade and industry, Department of Science and Technology, Department of Agriculture at marami pang iba.

Sinabi ng isang mag aabel na si Ginang Cathy Dumegyay, isang tubo ng Bontoc, Mountain Province at kasalukuyang naninirahan sa Holy Ghost barangay, Baguio City, na may kakulangan sa material sa kanilang pag-abel tulad ng Philippine Cotton.

Anya, karamihan sa mga mag aabel ay gumagamit na ng imported Cotton thread.  Kaya nanawagan siya sa mga kinauukulang ahensiya ng gobierno na hikayatin ang mga magsasaka ng bansa particular sa Mountain Province  ng magtanim ng cotton o ng bulak.

Maliban sa Mountain Province, ang Ifugao ay isa rin sa mga probinsiya na tumatangkilik sa industria ng paghahabi. Sinabi rin ni Ginang Dumegyay na nararapat ding ipamana sa kabataan ang pagtuturo ng pag aabel upang hindi makalimutan sa mga darating na panahon. (RPN-Baguio/ Joel Cervantes)

Photo credit: DTI-Benguet

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img