Baguio: Ilang barangays sa Benguet nakatanggap ng recognition sa 2022 Local Governance Awards

0
7

La Trinidad, Benguet – Tinanggap ng lokal na gobierno ng Itogon partikular ng Municipal Anti-Drug Abuse Council (MADAC) ang Best Performing Anti-Drug Abuse Council (ADAC) sa ginananap na  2022 Benguet Local Governance Awards sa Ben Palispis Hall, Capitol, La Trinidad kahapon.

Maliban dito, naparangalan bilang Best Performing Anti-Drug Abuse Council ang Barangays Gumatdang, Tinongdan, Dalupirip, Tuding, Poblacion, Ucab, Virac at ng Loacan.

Natamo din ng  Barangay Gumatdang ang Second Place  bilang  Most Outstanding Lupong Tagapamayapa Incentive Award (LTIA) sa ilalim ng 1st-3rd Class Municipalities category.

Masaya naman si Itogon Municipal Mayor Bernard Waclin sa mga natanggap nilang parangal at umaasa siyang magpapatuloy ang pagbibigay ng magandang serbisyo para sa mga mamamayan doon.

Samantala, ang parangal ay ibinigay ng Provincial Government ng Benguet sa pangunguna ni Governor Melchor Diclas. (Joel Cervantes, photo courtesy of LGU Benguet Province)

Leave a Reply