Pinukpok, Kalinga – Nahuli at nakakulong ang isang High Value Individual matapos na matuklasan ng mga police ang itinatago na illegal na druga at baril sa bahay nito sa Pinukpok, Kalinga noong isang linggo. Nakilala ito sa pangalang Clemente Dumalegan 43-taong gulang at naninirahan sa Barangay Taggay.
Base sa ulat ng Kalinga Provincial Police Office, nahuli ang suspek sa pamamagitan ng search warrant operation na isinagawa ng nagsama- samang tauhan ng mga pulis.
Ayon pa rin sa ulat, umabot sa 9 na plastic sachets naglalaman ng pinaghihinalaang Shabu na nagkakahalaga ng P40,800 at 5 sachet na naglalaman ng residue ng shabu ang natuklasan ng mga police sa tahanan ng suspek.
Maliban dyan ay natagpo pa ang mga pulis ng isang Cal. 45 na may magazine na may laman na walong mga bala. 6 na bala ng Cal. 45 at ng isang magazine ng M14 rifle na may laman na isang bala. Ang iba pang ebidensya na natagpuan ng mga tauhan ng mga pulis sa tahanan ng suspek ay ang drug paraphernalia at cash na nagkakahalaga ng P311,250.
Ang suspek ay humaharap sa kaso ng paglabag sa Republic Act RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Republic Act 10591 o ang Comprehensive Firearms and ammunition act. (Joel Cervantes, photo courtesy of Kalinga PPO)