Baguio City – Sa isang pananalita sa isinagawang pahayag sa mga mamamahayag sa Philippine Military Academy noong Jueves ng hapon, tiniyak ang pagsuporta ng unipormado at hindi unipormadong tauhan ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas ayong kay General Romeo Brawner Jr.
Sa kasalukuyan, ang Pilipinas ay nahaharap sa panggigipit ng Tsina sa West Philippine Sea.
Sa kaugnay na balita, inihayag ng pinuno ng Sandatahang lakas ng Pilipinas na si General Romeo Brawner Jr., at ng Commander ng United States Indo–Pacific Command na si Admiral Samuel Paparo ang pagtatag ng mga alituntunin, pagpaplano ng pagkilos at ang paglalaan ng pamumuhunan sa pagsasanay nakatuon sa seguridad sa dagat.
Ito ang inihayag ni Brawner at Paparo kasunod ng isinagawang pagpupulong ng Mutual Defense Board and Security Engagement Board (MDB-SEB) sa Fort Del Pilar, Philippine Military Academy, lungsod ng Baguio noong Jueves nakaraang linggo.
Ang pagpupulong ng Mutual Defense Board and Security Engagement Board o ang MDB-SEB ay nagsilbing bilang sesyon sa paghahanda para sa magkatuwang na pagsasanay militar sa susunod na taong 2025. (Joel Cervantes & Jimmy Bernabe)
(Source: PIA-Cordillera)