Friday, May 17, 2024

Baguio: Flashflood naganap sa Banaue, Ifugao

- Advertisement -

Banaue, Ifugao – Sa tuluy-tuloy na pag-uulan sa rehiyon Cordillera, di inaasahan sa Bayan ng Banaue, Ifugao kung saan matatagpuan ang sinasabing dating kasali sa ikawalong Wonders of the World na hagdang hagdang palayan sa Banaue Rice Terrace’s.

Visit RPN DZBS Baguio

Ito’y nakaranas ng pabigla na pagguho ng lupa sa ibang ibang lugar sa Banaue.  Ayon sa isang empleyado ng Local Government ng Municipality of Banaue, Ifugao, katatapos ng mga nakasali sa isang training o paghahanda sa anong uri ng sakuna ay siyang naman ang araw na tumama ang pagguho ng lupa at pagdagsa ng malakas na tubig sa lansangan o kalsada. Tamang-tama na naka-uwi ang mga kanilang mga guro or trainer sa oras ng alas dose ng hapon ng Hulyo 7, 2022.

At sa oras ng alas kuartro sa patuloy na pag-ulan sa mahigit apat na araw, kanilang naranasan ang paglabas ng malakas na tubig sa mga bahay na galing sa bundok, paglakas ng alon sa ilog na may kasama na bato at buhangin.

Nakasira ng mga kagamitan, pagka-tangay ng sasakyan, mga tricycles, mga animal katulad ng baboy, manok, pato at iba pa. Sa kasalukuyan may mga nasugatan na tao, pero wala pa naman ang napaulat na namatay sa sakuna. Ginagawa ng mga opisyalis ng Banaue, Ifugao ang pasabing lumikas muna mga lugar na apektado sa sa evacuation center. (Joel Cervantes)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -