Friday, May 3, 2024

Davao: Isang granada sumabog matapos paglaruan ng batang magkapatid sa Davao del Sur

- Advertisement -

Patay ang isang bata habang sugatan ang kaniyang kapatid pagsabog isang uri ng granada sa Purok 6 Boongon, Barangay Rizal sa Malalag nitong 11:00 ng umaga, Huwebes, Hulyo 7, 2022.

Visit RPN DXKT Davao

Kinilala ng Police Regional Office XI ang mga  biktimang magkapatid na sina Christian Jay Gecale Gaspar, 7 taong gulang, grade 1 pupil. At ang kaniyang kapatid na si Kent Gecale Gaspar, 5 taong gulang na parehong nakatira sa Purok 6 Boongon, Barangay Rizal sa naturang ungsod.

Base sa imbestigasyon ng Malalag Police Station, napaglaruan ng magkapatid ang granada matapos itong makita sa labas ng kanilang bahay.

Bigla na lang narinig ang pagsabog sa lugar ng sumabog ang granada kung saan dead on the spot si Christian Jay Gecale Gaspar, habang ang kaniyang kapaitd na si Kent Gecale Gaspar ay kaagad na isinugod sa Davao Sur Provincial Hospital, Digos City sa mga personnel ng MDRRMC Malalag upang magamot.

(Source: PRO XI)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img