31.6 C
Manila
Tuesday, April 16, 2024

Baguio: Fireworks-related injuries sa Cordillera tumaas ng 39 kaso

- Advertisement -

Inulat ng DOH Cordillera ang mga kaso ng fireworks-related injuries (FWRIs) sa rehiyon ay umabot sa 39 as of January 5, 2024. Ito ay 48% na mas mataas kung ihahambing sa parehong panahon noong nakaraang taon.

Base sa pinakabagong ulat, ang mga probinsya ng Kalinga ang nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng firecracker-related injuries na bilang na 13, sinundan ito ng Lungsod ng Baguio na may 12, ang Abra na may 7, Apayao na may 4 at Benguet na may 3 kaso. Habang ang mga probinsya ng Ifugao at Mountain Province ay hindi nag-uulat ng firework-related injuries hangang sa ngayon habang amin itong ibinabalita.

Mayroon naman 33 katao ang nasugatan dahil sa paputok habang ang isa ay napa-ulat na naging biktima ng ligaw na bala sa Lungsod ng Baguio partikular na sa Barangay Irisan.

Sa mga napa-ulat na mga kaso, 33 ang napag-alaman na mga lalaki habang anim ang mga kababaihan at ang mga edad ay naglalaro mula 5 hangang 60 taong gulang.

Di naman kukulangin sa 27 kaso ang naputukan o nagtamo ng pasa o sunog sa balat at hindi bababa sa 15 kaso ay naging sanhi ng kwitis. Ang ibang paputok na illegal tulad ng boga, whistle bomb, 5-star, piccolo, and Judas belt ang mga naging sanhi ng pinsala.

Labing siyam na mga kaso ay matatawag na active users, at ang mga nasugatan ay nangyari sa kanilang tahanan, karamihan ay sa kamay, daliri, sa ulo, sa mata, at sa binti ng mga biktima. Walang napa-ulat na naputulan, nakalunok o namatay sanhi ng paputok.

(Joel Cervantes | Jimmy Bernabe, photo courtesy of PIA – Cordillera)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -