Baguio Fire station nagbabala sa modis operandi ng Fire Safety Inspection

0
9
photo courtesy of PIO Baguio

Baguio City – Ang pinuno ng Bureau of Fire Protection (BFP) – Baguio City Fire Station na si City Fire Marshal, FSupt. Marisol H. Odiver ay nagbabala sa publiko laban sa mga walang prinsipiong tao na nagkukunwa bilang miyembro ng fire safety brigade at naghihingi ng bayad kapalit ang serbisyo ng fire safety inspection.

Ang babala ay inilabas matapos ang isang mamamayan ay nagsumbong sa presensiya ng mga taong nagkukunwing bilang “bantay sunog brigade” nagpupunta sa mga bahay–bahay upang magsagawa ng fire safety inspection at humihingi ng P9,000 kapalit ng isang gas regulator na may kasamang hose.

Sinabi ni Odiver na ang mga tauhan lamang ng BFP ang nabigyan ng pahintulot na magsagawa ng fire safety inspection na may kasamang Inspection Order napirmahan ng fire chief at ang mga tauhan nakasuot ng onipormi na may tamang pagkakilanlan.

Anya ang modus ay kahintulad na pamamaraan ng hindi mapagkatiwalaang tao noong mga nakaraang taon na kung saan ang mga taga Baguio ay nalinlang sa pamamagitan ng pagbili ng fire extinguishers mula sa mga taong nagpapanggap na tauhan o kinatawan ng Bureau of Fire Protection.

Nanawagan si Odiver sa publiko na maging mapagbantay at kilalanin ang mga taong kanilang kinakausap sa pamamagitan ng pagtingin ng kanilang identification card o agad na mag ulat sa BFP-Baguio City Fire Station sa telepono bilang 443-7089/442-2222 o sa kanilang hotline 09124096114. (Jimmy Bernabe & Joel Cervantes)

(Source: PIO Baguio)

Leave a Reply